18 December 2009

December 2009 and other thoughts

Ang tagal ko nang hindi nakakablog talaga. A lot has happened in this year. Eto na ata yung taon na ang dami kong napuntahan. I consider traveling as one of the highlights in my life. You know why? Kasi I get to travel for FREE! Haha! Except for Singapore, where Papuy got married, and Dakak for an extended family getaway. All other trips were FREE! :D I was able to go to Bangkok and Italy this year. Also to Davao, Bacolod, Negros, Aklan, Iloilo, Sorsogon, Bicol, Boracay, into the remote areas of Kalibo (as in mega remote), at marami pang iba. Hindi ko na nga maalala e. I presented my thesis topic thrice this year (Bangkok, Italy, and Davao). Wow grabe.

Ang kulit ko noh? I mean here I am writing about my trips. Sinasabi ko kasi baka malimutan ko e. I'm not a good picture keeper. I don't know where my other photos are so isusulat ko na lang, hehe. Ang sabog ko talaga when it comes to keeping photos. Ang daming trips napuntahan but the pictures are in someone else's camera. Ano ba yan. Mga bundok trips ko rin marami-rami na and I love them all pero I don't know where they are, huhuhu. Teka, eto isa sa mga trips ko:




Eto yung nag-Bicol kami. Medyo matagal na nga ito e. Hay. Pero buti na lang kita yung tugatig ng Mayon. Bakit ba kasi ang sabog ko magtago ng mga litrato? :(


I FINISHED MY THESIS PROPOSAL NA! Yehey! :D Well, hindi naman siya tapos na talaga kasi hindi pa siya approved ng IESM at ineedit pa siya ni Doc Chelo and Doc Mark. Pero at least me draft na! Woohoo! Gusto ko na talaga grumaduate. Gusto ko nang mag-aral sa ibang bansa. Gusto ko nang ma-experience kung paano mamuhay sa isang foreign land at kung paano mag-aral doon. Ang dami kong gustong gawin. Sometimes I find myself writing my thoughts often. I realized I'm better in expressing myself through words instead of drawing. Though I dabble in art at times, it is in writing that I find relaxation and relief. When I'm upset I write. When I want to do something but can't, I write. When I imagine myself soaring to greater heights, I write that thought on paper.

Hay.

Ang dami kong gustong gawin. Sana lang magawa ko silang lahat. There's so much for me to do out there. Plenty of opportunities waiting to be harvested by eager people. Sana swertehin ako balang araw, hehehe. Berkeley, I pray that you won't be elusive in reality.

Kakatapos lang ng lantern parade at wala man lang akong dalang camera. Loser. Pero ayos lang, me utak naman ako para itago yung thoughts na yun. Bad trip lang kasi ako lang makakanenjoy sa utak ko. Maganda diba shinisheyr sa iba. Buti na lang nandun din si Kat sa lantern last year at this year. Para siya na lang yung ka-sheyr ko sa mga memories ng lantern. Masaya na ako dun. :)

Ano pa bang gusto kong isulat? Dami e. Ayan na naman ako. Maraming gustong gawin at maraming iniisip. Masyado yata akong nag-iisip at nagloolook into the future kaya hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko in the present. Sabi nga sa Kung Fu Panda, yung isa sa favorite lines ko ni Master Oog Wei, "Quit, don't quit; Noodles, don't noodles; you are too concerned of what was and what will be. There is a saying: Yesterday is history; tomorrow is a mystery; and today is a gift; that's why it's called the PRESENT."

Is it bad if I think of the future too much? Pero paano yung sinasabi nilang 'envision yourself of what you want to become in the future so that it will come true'? Hay. Dapat ata equal footing lang yung pag-iisip sa future at sa present. Hay. Ewan ko ba.

Basta, masarap magsulat. Hehe. Natuwa nga ako sa entry ni Debs e, kaya ako na-inspire magsulat ulit todits sa blog ko. Anyway, kailangan ko nang umuwi dahil 2230H na e nandito pa ako sa lab sa NIGS. Adik. Haha.

See you soon blog! :)

No comments: