31 December 2018

Para sa aking Ex

Minahal kita nang lubos
Minahal kita nang todo, Martin
Binahagi ko sarili ko sa iyo, mga pangarap ko
Mga agam-agam, mga pag-aalinalangan
Binahagi ko puso ko

Habambuhay ka nang nakaukit
Sa puso't isipan ko
Iisipin na lang ang mga magaganda, masasayang ala-ala
Naging bahagi ka ng buhay ko
Pitong taon at apat na buwan

Ngunit kailangang tanggapin
Ang katotohanang hindi na tayo
Hindi na magiging tayo kailanman
Dahil nakahanap na ako ng iba
At mahal na mahal ko na siya

Magpapaalam na ako
Isasara ko na ang pinto ko sa iyo
Isa na lang tayong ala-ala
At tatandaan na dati kitang minahal
Na higit pa sa buhay ko