23 December 2009

ang punyetang society

Nung isang gabi, December 21, naglalakad akong mag-isa sa may bandang playground sa CP Garcia at kabababa ko lang sa Ikot. Ang dami kong iniisip. Bago ako bumababa, inisip ko kung okay bang bumababa ako sa may KNL para trike papuntang TomatoKick tapos lakad papuntang apartment o 'di kaya'y baba ng playground tapos lakad na hanggang apartment. Malayo-layong lakarin din kasi tapos ang dami ko pang bitbit. Dala-dala ko kasi si Chiqui, yung laptop kong kay bigat, tapos nakakatakot din baka ma-holdap ako kasi muntikan na kaming mabiktima ni Kat sa isang punyetang holdaper pagkatapos ng lantern parade. Sa kaiisip kaiisip, napagpasyahan ko na lang na bumaba sa playground at maglakad hanggang apartment. Walangya. Napagod pa neurons ko.

Ang lamig. Suot-suot ko yung denim jacket ko tapos si Amira nasa likod ko lulan si Chiqui tapos dala ko si Davao bag at yung bag kong kayumanggi't itim. Ambigat. Lakad, lakad, lakad. Habang naglalakad, nakakasense ako ng pagkati ng mga kamay kong gumastos. Naisip ko medyo maaga pa, bukas pa yung mga tindahan, gimmick muna ako mag-isa. Me pera ako para punan yung kalungkutan. Naisip ko na iwan ko na lang muna sa apartment mga bag ko at lumarga pagkatapos. Naisip kong magpa-manicure/pedicure, o di kaya'y magpa-wax ng legs, o magpa-masahe, o kaya magpa-thread ng kilay. Grabe, daming choices. Pero alam mo ba kung saan ako lumanding na choice? Ang bumili ng dinner at chichirya at manood ng pelikula kay Chiqui (hay so much for a date with myself).

Habang naghihintay sa Cibola ng chicken fingers, naglabas ako ng notebook at nagsimulang magsulat. Ang dami kong iniisip. Ang dami... Ang dami... Parang lahat na lang ng katanungan ng
"why" o "bakit" tinatanong ko. Eto yung naisulat ko:

Ganito pala ang feeling ng mag-isa at may dalang pera. Yung mafi-feel mo ang the need to spend. Mag-isa ka. May pera ka. Edi ibili mo ng pera ang kaligayahan. Kaya pala madalas kumita ang mga girly bars. Meron kasi silang mga kustomer na single at may perang gagastusin. Kaya rin kumikita ang manininda ng mga luho tulad ng electronic shops, spa, mga restorang may GRO, casino, etc. Pag mag-isa ka pala, may tendency ka to spend kasi gusto mong aliwin ang sarili mo. Gusto mo magkaroon ng bagong gamit, may makinig sa mga sinasabi mong walang katuturan pero gusto mo lang na may nakikinig sayo, matawa kahit mag-isa. Yung bang gusto mo lang na may magawa na ikatutuwa mo. KAYA KA GAGASTOS KASI SARILI MO ANG GAGASTUSAN MO. Wala ka namang asawa't anak. Magulang mo mayaman naman. Wala ka lang talagang malagyan ng limpak-limpak mong salapi. Siguro eto yung sinasabi nilang "single blessedness". WALA KANG AATUPAGIN KUNDI ANG SARILI MO LANG. Hawak mo ang sarili mong pera at oras. In fairness, enjoy naman. Unbridled freedom.


At nang masulat ko ito dumating na ang chicken fingers. Bago pala akong pumuntang Cibola, bumili muna ako ng gourmet chips at bote ng Pepsi sa Mini Stop para magsilbing snack habang nanonood. At habang naglalakad ako, ang dami kong iniisip.

May mga nakita akong poor sa sidewalk. Merong mag-jowa na nakahandusay dun sa sidewalk. Nakahiga yung babae dun sa lap nung lalaking nakaupo dun sa sidewalk. Isipin mo ha, sa sidewalk sila nakahiga at nakaupo. Biglang naisip ko yung kantang "when we're hungry, love will keep us alive...". Naisip ko, hinde, hindi kaya ng love lang ang bumuhay sa isang couple! Nagiging realistic lang naman ako. Pero in fairness, at least mukha naman silang masaya. Yung lalaki nakita akong dala dala yung polystyrene from Cibola laman yung chicken fingers. Inignore ko na lang pero nasasaktan puso ko.

Bakit may mahirap? Bakit may mayaman? Bakit sa istorya ng buhay, kailangan merong nang-aapi at inaapi? Bakit ngayong pasko, sobrang makikita mo yung discrepancy between the rich and the poor? Bakit ganun yung majority sa society, that they look down on the people who cannot afford much in life? Bakit kailangan para maka-achieve ka ng magandang status in society, kailangan pera ang iharap mo? Bakit yung may pera, sila yung mga tinitingala? Bakit ang PUNYETANG SOCIETY na yan e ang nangdidikta kung paano ka dapat kumilos???

Punyetang mga norms of society yan.

No comments: