17 August 2018

Kathang isip para sa araw na ito

Dumating ang umaga Ako'y nagising Paglingon sa tabi Ika'y himbing na himbing Sa pagtulog ayaw magising Pinagmasdan ko iyong mukha Nakatingin, nakatitig Kay sarap sarap mong pagmasdan Hinaplos ko ang iyong mukha Ang iyong buhok Ang iyong tenga Hinawakan iyong labi Hindi ka umimik Ngunit ang noo'y kumunot Tinanggal ko aking kamay Maya-maya'y tumalikod Naiwan akong nakatitig Sa likod mong malapad Napaluha, hindi alam gagawin Ako'y tumahimik, napahiya Umahon ako mula kama Nagbihis, nagsapatos Lumingon ako para tingnan ka Ngunit likod mo pa rin aking nakita Binuksan ko ang pinto Ika'y napalingon Nagkatinginan tayo Pero wala pa ring imik mula sa'yo Patuloy akong lumabas Hindi ka gumalaw Walang ibang narinig Kundi ang puso kong nadudurog

No comments: