13 August 2011

The Legend of Zelda

Bata pa lang ako, nilalaro na ng mga kapatid kong lalaki ang The Legend of Zelda. Nakaka-intriga yung pangalan ng video game, ang sarap pakinggan. Ang ganda ganda ng pangalang Zelda, ang ganda ganda rin ng pagkaisip ko nun sa hitsura ni Zelda. Tapos nung nalaman ko na yung bida, si Link, nais niyang iligtas si Princess Zelda mula sa masasamang kamay ni Ganon, lalo akong mas naintriga at naging masugid na taganood sa mga kapatid ko habang naglalaro. Oo, tiga-nood lang ako nun kasi four years old lang ako at hindi pa talaga marunong mag-Nintendo.

Mas natuwa ako kay Princess Zelda kesa kay Princess Peach ng Mario. Ewan ko, ang korni kasi ni Peach e, parang pa-cute. E etong si Zelda may powers kasi siya at mukhang hindi lang maarte na prinsesa na patapon. Gusto ko yung ideya na mandirigma rin siya.

Kahit na alam kong olats ako maglaro ng game na ito, wala lang, gusto ko siya. Gusto ko kasi yung plot, ang astig e, me mga salamanca eklavu. At naalala ko kasi kailangan mong gamitin utak mo pag naglaro ka nito, parang Diablo RPG. :)

Sana makapunta ako sa isang party or sa comic con tapos yung suot ko si Princess Zelda :D






No comments: