One of the reasons I took up MS Environmental Science is:
I want to escape the realm of chemistry and math.
Pucha, malaking pagkakamaliiii (To the tune of Ryan Cayabyab's song) As in solid. Well, hindi naman talaga siya "pagkakamali". It's more like mali siguro 'yung naging perception ko sa EnviSci. Iniisip ko it's all about the animals. Iniisip ko konti lang 'yung math niya. Oks lang ako sa chem kasi hindi naman supah dupah hardcore 'yung chem e. Pero kasi napag-aralan ko na kaya masasabi ko na oks lang sakin yung chem. But math? Omigas abelgas, eto na yung hardcore.
Our teacher said that Environmental Science is a difficult course since it encompasses a wide field of science disciplines. Na-realize ko, shet, oo nga. Bakit ko ba kasi naisip na puro hayop ang makakadeal ko sa EnviSci? Eh hindi naman pala! It's about encompassing everything in the environment--- the atmosphere, biosphere, hydrosphere, and geosphere. Isispin mo, lahat yan kelangan mong i-link! Pero naman kasi pwede kang kumuha ng specialization kaya oks lang din, hehe. You know like there are those days lang talaga that you would stop and think and reflect on what's going on with your life...
Tama ba talaga na nag-envi sci ako? I fear that I'm not cut out for this. Nakakaintimidate nga e. Actually minsan napapaisip ako habang naglalakad sa UP, kapag nakakasalubong ko mga UP students, nakaksalimuha ko orgmates ko, napapaisip ako ng, "shet men ang tatalino nilaaaa... Kung hindi sila nanggaling ng Pisay, e malamang nasa upper 10% sila ng graduating batch..." Hanep manindak e, haha! Minsan iniisip ko kung fit ba ako dito sa UP... Well in some aspects yes, but in some maybe no... Haaay...
Pero you know, right now my life is back in the right track. Dati talaga windang ako e! Remember my other blog, yung sabi kong nagka-anxiety attack ako? Grabe talaga yun, I was thinking of dropping everything, quitting pa nga e. But now oks na siya. I'm happy kasi tapos ko na lahat ng assignments, woohoo! I'm just praying na oks silang lahat! Hhuhu... Hindi ko keri kung babagsak ako! Ano ba yan... My grade should be above 2.0!
Hay pero I thank God tapos na ko, and He has given me strength to finish all my assignments. Hanep naman kasi sa UP, talagang sasagarin ka, as in sa dulo ng sem lahat ng tapusan. Hindi tulad sa DLSU, laging on your toes kasi mabilis talaga. Sa UP, petiks muna tapos cramming na sa dulo! haha. But it's good, ibang style naman, haha :)
No comments:
Post a Comment