Eto na naman ako. Nasadlak sa dusa dulot ng usapang pag-ibig. Ang sakit. Pinipiga na naman dibdib ko; utak ko; katawan ko. Nagkakaroon na naman ako ng withdrawal symptoms from the love addiction. Ang hirap. Tama eh. Palala ito nang palala. Pa-grabe nang pa-grabe. Akala ko okay na. Tapos babalik na naman. Bakit kailangan maging ganito? Ang sakit 'no? Nakakainis.
Paulit-ulit na ako ng sinasabi. Siguro dahil gusto ko lang talaga tumatak sa isip ko at sa puso ko ang sakit. Para sa susunod na mangyari ito, hindi ako manhid pero alam ko na gagawin ko. Alam ko na kung paano mag-cope.
Subalit nalalabuan lang din ako sa nararamdaman ko. Malabo yung linya sa pagitan ng pag-ibig at habit. Malabo rin sa pagitan ng logic at emotions. Kung gagamitin ko yung logical na bahagi ng utak ko, maraming red flags na nagsasabing itigil na, tama na, huwag nang palalimin pa. Pero puta kapag pinairal ko yung emotions ko, yung 'what I feel', dinedefy niya yung logic: it's telling me the COMPLETE OPPOSITE. Ang labo. Kaya gusto kong malaman ano ba talaga nararamdaman ko. Pag-ibig ba ito? Or habit lang? Naghahanap lang ba ako ng babalanse sa buhay kong kasalukuyang hindi balanse? Or talagang kaya ko na magmahal muli?
Hindi ko rin masabi.
Pero masaya ako kapag nag-uusap kami. Masaya ako kapag magkasama kami, kahit bihira. Ang hirap kapag nagtatalo yung logic at emotions. Ang hirap nilang paghaluin. Or baka kaya mahirap dahil talagang magkasalungat sila. Pero diba, pwede namang hindi magkasalungat ang logic and emotions. Pwedeng logically okay siya, at the same time emotionally okay din siya. Pwede ngang ganun.
Pero ang trump card sa lahat ng pag-iisip na yan, ANO BA TALAGA GUSTO KO? Ang labo. Nakakainis.
No comments:
Post a Comment