13 July 2018

Today's thoughts

Hiiii!

So eto, mag-isa na naman ako sa work. Dati, soooobrang nakakalungkot at nakakabaliw. Pero ngayon, unti-unti nang nagiging okay. Pero syempre, may kakaunting lungkot pa rin. May mga kailangan akong gawin ngunit inaatake ako ng katams. Mamaya, raratratin ko rin lahat yang trabaho ko. Kailangan ko lang mahanap yung 'groove' ko. Bago ko ituon pansin ko dyan, magsusulat muna ako rito sa blog. Napansin ko mahilig ako mag-monologue eh, haha! Bakit nga ba? Ang ingay ng utak ko. Dapat paminsan-minsan tumahimik din ito.

Kahapon (today's thoughts nga tapos kahapon, enebeyen), ang saya-saya ko. Dahil siguro nakapag-gym ako. Ang saya-saya. Ang daming endorphins na na-release. Yung utak ko nagsswimming sa endorphins, woo! Tapos yung feeling na everything is quietly falling in place: unti-unti na akong nasasanay uli mag-isa; nagagawa yung mga gusto ko dahil may oras at may pera na uli ako; unti-unti ko nang nababalanse buhay ko. Tapos yung pakiramdam na single ka uli, yung wala kang INEEXPECT sa ibang tao dahil wala ka namang commitment sa kanila; yung pakiramdam na you already let go of the need to control. Wala lang, ang saya, nakaka-liberate ng feeling. Tapos unti-unti nang nawawala yung TAKOT ko. Takot na mag-isa. Takot sa ilalaladlad ng hinaharap. Unti-unti ko nang napagtatanto yung ibig sabihin ng 'enjoy the moment' at 'be present'. Enjoy lang! Kasi napakaganda at napakasaya ng buhay. Lagi kong binibilang yung mga biyaya ni Lord, kahit gaano pa kaliit yan.

Masaya ako kasi may mga taong nagpapasaya sa akin. Ang saya-saya ko kapag nakakasama ko sila, nakakausap. Muli kong nakakasalimuha yung mga kaibigan kong hindi ko nabibigyan ng panahon dati dahil busy ako sa relasyon ko. May mga bagong nakilala, masaya rin yun. It helps me to be present and to enjoy the moment. Ang pinakamalaking kinakapitan ko ngayon ay yung thought na 'God knows what's best for me and and He will never leave me.'  Kailangan ko lang talaga maging patient at i-enjoy ang kasalukuyan. Kailangan kong pagbutihin itong trabaho ko, alagaan ang kalusugan ko, pagibayuhin ang relasyon ko sa mga kaibigan, minamahal, at sa sarili ko. Hindi ko kailangan matakot dahil nandyan  si Lord. May dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Alam kong pinoprotektahan din ako ni Lord. Lagi naman. Kaya may mga bagay na hindi ukol kaya hindi bumubukol.

Masaya ako. :) Syempre paminsan-minsan nagkakaroon ng bouts of sadness pero far in between at mabilis din naman lumilipas, basta isipin ko lang kasama ko si Lord at ang pamilya ko, buo na ako. :)

No comments: