05 July 2018

Today's thoughts

Mag-isa na naman ako rito sa opisina. Ang hirap na naman ng pakiramdam ko. Wala namang physical pain, pero may sakit na nadarama. Ang sakit eh. Nagkakaroon na ako ng pagdududa sa sarili ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko.

Bakit ba kailangan maging NAPAKAsakit ng ma-heartbroken? Siguro dahil NAPAKAsarap din umibig at magmahal. NAPAKAsaya pero NAPAKAsaklap din. Mukha talagang kailangan kong dumaan sa MGA pagsubok ng PAG-IBIG. Ang drama ko. Saan ko nga ba nakukuha yung lakas para sa ganitong drama? Siguro dahil alam kong kung gusto ko, gusto ko talaga. Gayun din kapag ayaw ko, ayaw ko talaga. Extremes din eh. Ang hirap i-balanse. Pero dahil alam ko ang kakayanan, kalaliman, at kalakasan ko sa pagmamahal ng isang tao, SIGURADO ako sa taong iyon. WALANG PAG-AALINLANGAN. Walang ambiguity. Klarong-klaro.

Hindi ko hinahangad na umikot ang mundo ng isang tao sa akin. Ayoko rin niyan dahil hindi rin iikot ang mundo ko sa iyo. Paano natin mapapaibayo ang mga kakayanan natin kung naka-ankla ang mundo natin sa iisang tao lang? Hindi eh. Pero iba rin naman ang tinatawag na RESPETO sa taong may pagtingin sa iyo. Kung ayaw, edi sabihin mo. Pwede naman eh. Kung may problema, edi sabihin mo. Humingi ka ng kailangan mo para maayos. Kung napipikon ka, edi sabihin mo kung ano yung dahilan; hindi yung tinatago tapos bigla na lang puputok. Bad trip lang din eh.

Itong lungkot ko unti-unting napupunta sa inis. Pero dahil malawak, malalim, matindi ang pag-ibig na kaya kong ibigay,   iiintidihin ko na lang din. Hindi ako nagsasara ng pinto. Pero oras na may makapasok nang iba, wala na.

P*** ang sarap lang mag-Tagalog.

...

Siguro, kailangan ko rin magpalakas ng sarili; kailangan magmuni-muni; kailangan mabuo; kailangan ng mas mahabang pasensya; kailangan tanggalin ang nakasanayan at maglapat ng bagong mapagsasanayan. Old habits die hard, totoo yan. Pero dahil alam ko naman ang science behind habits, kakayanin ko 'to. 'I'm gonna have to science the shit out of this', 'ika nga ni Matt Damon sa The Martian.

Kaalinsabay ng pagsa-science, kailangan kumalinga rin ako sa Panginoon. Kung mayroon man akong gagawing ankla sa buhay na ito maliban sa magulang kong mahal na mahal ko, dapat pati sa Diyos. Hinding-hindi pa ako nabibigo ng Panginoon sa tanan ng buhay ko. He's omnipresent in my life; I'm forever grateful for that.

No comments: