- Naalala ko yung panahon na nagsusulat ako ng thesis ko nun sa UP, wala pang ban on smoking, ang sarap lang magyosi habang nagsusulat. Hindi ko alam kung bakit. Bakit kaya no? Is it perhaps you’re feeding the reward system in your brain at the same time doing something you feel that needs rewarding? Parang pagkasulat mo ng something, may instant reward ka. Woo. Ano pa kayang ibang activity pwedeng gawin ito? Pero dapat iba naman ang reward. Kasi medyo masama talaga sa kalusugan ang pagyosi eh.
- Ang sarap lang magsulat para mag-express ng sarili. At the same time, ang sarap lang din sumayaw para mag-express. Pwede mong laruin ang mga salita, pwede mong laruin ang movements, to convey what you’re feeling. Others express it through drawing or playing music. But I guess what works for me is writing and dancing. Though the latter hindi ko na masyado nagagawa. Pero ang saya sana kung nagagawa ko pa.
- Can I really be just on my own from now on? I’m not sure. Naka-ankla pa rin ako sa Ex ko kahit papaano. May bahagi sakin na nakakapit pa rin dun. Pero alam ko naman mawawala rin ito. Joskoh, wala pang apat na buwan. Eh pitong taon din kami na kami. Pero I’m sure na magiging malaya rin ako sa ala-ala ng nakalipas. Maraming tao ang tumutulong para makamit ko itong paglaya. At syempre, nandyan si God at pamilya ko. Siguro nga, okay na rin ang nangyari. Sabi nga ni Kuya, I should see it as ‘disaster averted’ instead of something na ‘sayang’.
- Ngayon lang din kasi ako naging single after almost a decade of being in relationships. I should take things slow and enjoy the moment. Enjoy lang. Fun fun lang. Yung fun na may idudulot na growth sa sarili. Dapat cautious pa rin at hindi reckless. Mahirap maging reckless. May mga consequences na irreversible at irreparable and can do more harm than good papunta sa road to healing and acceptance. Dapat ma-discern ko alin ang okay at hindi okay na fun.
- Ngayon, masaya ako. Pero minsan, ang pagkasaya ko eh nahahaluan ng lungkot. At least far in between na yung bouts of sadness. May nagpapasaya sakin ngayon subalit mukhang magiging fleeting ito. Pero tingnan natin. Wala naman makapagsasabi kung ano ang ending nito. Baka kailangan ko lang idiin sa sarili ko ang ‘be present’ at ‘be patient’ na mga salita. In God’s time, everything will be alright. Looking back, masasabi kong malaki na rin ang naging improvement ko. Kapag nakikita at nababasa ko yung mga sinulat ko noong sobrang tindi pa ng sakit, napansin kong hindi na ganun kasakit ngayon. Yung sakit napalitan na ng kakaunting lungkot. Pero dibale, mawawala rin ito. Malakas ang pananalig ko na bubuti rin ang kalagayan ko.
12 July 2018
Today's thoughts
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment