30 July 2018

Current song mood

Para sa susunod na taong darating sa buhay ko, kung sino ka man:

Gusto Ko (Pagsundo)
Up Dharma Down 



Dahan-dahang nagbabagong

hugis ng mundong

ating ginagalawan

Ako'y paparito

ika'y paparoon

'di na natutulad sa buhay

natin noon


Mamumulat ang matang

paalis ka na pala

Hindi mapigil na isiping

may nagbago nang talaga


Ngunit sa kabila ng lahat ng to

ikaw parin ang nais makasama ko

Ohh

ito na nga ba'y pang habangbuhay

Uuhh ohh

walang pagpapanggap

totoo at tunay


Kung nais mong ako

ang makasama mo

Wag kang mag-alala

nandito lang ako
Naghihintay sa iyong
pagsundo


Gusto mo, gusto ko

Kaya mo, kaya ko

Sama tayo


Bawa't araw at gabi

tayo pa ring magkatabi

Kahit minsa'y magkalayo


Sa gitna ng pagsubok,

isang tawag

ako'y susugod

kailanman 'di ka tatalikuran


Palagi kang sinasisip

gising man o nananaginip

walang katulad na bigkis tayo


Sa dinadami ng makikilala mo

sana'y ako parin ang siyang piliin mo

Ohh

ito na nga ba pang habang panahon

Uuhh ohh

kay raming pinagdaanan

noon at ngayon


Ang nais ko parin

tayo ang magkapiling

Walang pag aalinlangan

Abangan ako sa aking
pagdating


Uuhh ohh ohh
Uuhh ohh

Gusto mo, gusto ko

Kaya mo, kaya ko
Sama tayo


Gusto mo, gusto ko

Kaya ko, kaya mo

Sama tayo


Gusto mo, gusto ko

Kaya mo, kaya ko

Sama tayo 

Today's thoughts

Today

I choose
To be happy and free
From all the unbearable pain
And emotional turmoil
I am undergoing

I seek help
From the Lord
Who is all-powerful
And very much capable
Of lifting all my burden

I unceasingly pray for
Peace
Patience
Fortitude
To burst forth this cage

I am trapped in
Oh such joy for certain
To be released
And to be free
Finally

Today


29 July 2018

Today's thoughts


O Lord, I ask from thee these three:

PEACE.

  PATIENCE.

  FORTITUDE.




22 July 2018

Today's thoughts

Eto na naman ako. Nasadlak sa dusa dulot ng usapang pag-ibig. Ang sakit. Pinipiga na naman dibdib ko; utak ko; katawan ko. Nagkakaroon na naman ako ng withdrawal symptoms from the love addiction. Ang hirap. Tama eh. Palala ito nang palala. Pa-grabe nang pa-grabe. Akala ko okay na. Tapos babalik na naman. Bakit kailangan maging ganito? Ang sakit 'no? Nakakainis.

Paulit-ulit na ako ng sinasabi. Siguro dahil gusto ko lang talaga tumatak sa isip ko at sa puso ko ang sakit. Para sa susunod na mangyari ito, hindi ako manhid pero alam ko na gagawin ko. Alam ko na kung paano mag-cope.

Subalit nalalabuan lang din ako sa nararamdaman ko. Malabo yung linya sa pagitan ng pag-ibig at habit. Malabo rin sa pagitan ng logic at emotions. Kung gagamitin ko yung logical na bahagi ng utak ko, maraming red flags na nagsasabing itigil na, tama na, huwag nang palalimin pa. Pero puta kapag pinairal ko yung emotions ko, yung 'what I feel', dinedefy niya yung logic: it's telling me the COMPLETE OPPOSITE. Ang labo. Kaya gusto kong malaman ano ba talaga nararamdaman ko. Pag-ibig ba ito? Or habit lang? Naghahanap lang ba ako ng babalanse sa buhay kong kasalukuyang hindi balanse? Or talagang kaya ko na magmahal muli?

Hindi ko rin masabi.

Pero masaya ako kapag nag-uusap kami. Masaya ako kapag magkasama kami, kahit bihira. Ang hirap kapag nagtatalo yung logic at emotions. Ang hirap nilang paghaluin. Or baka kaya mahirap dahil talagang magkasalungat sila. Pero diba, pwede namang hindi magkasalungat ang logic and emotions. Pwedeng logically okay siya, at the same time emotionally okay din siya. Pwede ngang ganun.

Pero ang trump card sa lahat ng pag-iisip na yan, ANO BA TALAGA GUSTO KO? Ang labo. Nakakainis.

13 July 2018

Today's thoughts

Hiiii!

So eto, mag-isa na naman ako sa work. Dati, soooobrang nakakalungkot at nakakabaliw. Pero ngayon, unti-unti nang nagiging okay. Pero syempre, may kakaunting lungkot pa rin. May mga kailangan akong gawin ngunit inaatake ako ng katams. Mamaya, raratratin ko rin lahat yang trabaho ko. Kailangan ko lang mahanap yung 'groove' ko. Bago ko ituon pansin ko dyan, magsusulat muna ako rito sa blog. Napansin ko mahilig ako mag-monologue eh, haha! Bakit nga ba? Ang ingay ng utak ko. Dapat paminsan-minsan tumahimik din ito.

Kahapon (today's thoughts nga tapos kahapon, enebeyen), ang saya-saya ko. Dahil siguro nakapag-gym ako. Ang saya-saya. Ang daming endorphins na na-release. Yung utak ko nagsswimming sa endorphins, woo! Tapos yung feeling na everything is quietly falling in place: unti-unti na akong nasasanay uli mag-isa; nagagawa yung mga gusto ko dahil may oras at may pera na uli ako; unti-unti ko nang nababalanse buhay ko. Tapos yung pakiramdam na single ka uli, yung wala kang INEEXPECT sa ibang tao dahil wala ka namang commitment sa kanila; yung pakiramdam na you already let go of the need to control. Wala lang, ang saya, nakaka-liberate ng feeling. Tapos unti-unti nang nawawala yung TAKOT ko. Takot na mag-isa. Takot sa ilalaladlad ng hinaharap. Unti-unti ko nang napagtatanto yung ibig sabihin ng 'enjoy the moment' at 'be present'. Enjoy lang! Kasi napakaganda at napakasaya ng buhay. Lagi kong binibilang yung mga biyaya ni Lord, kahit gaano pa kaliit yan.

Masaya ako kasi may mga taong nagpapasaya sa akin. Ang saya-saya ko kapag nakakasama ko sila, nakakausap. Muli kong nakakasalimuha yung mga kaibigan kong hindi ko nabibigyan ng panahon dati dahil busy ako sa relasyon ko. May mga bagong nakilala, masaya rin yun. It helps me to be present and to enjoy the moment. Ang pinakamalaking kinakapitan ko ngayon ay yung thought na 'God knows what's best for me and and He will never leave me.'  Kailangan ko lang talaga maging patient at i-enjoy ang kasalukuyan. Kailangan kong pagbutihin itong trabaho ko, alagaan ang kalusugan ko, pagibayuhin ang relasyon ko sa mga kaibigan, minamahal, at sa sarili ko. Hindi ko kailangan matakot dahil nandyan  si Lord. May dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Alam kong pinoprotektahan din ako ni Lord. Lagi naman. Kaya may mga bagay na hindi ukol kaya hindi bumubukol.

Masaya ako. :) Syempre paminsan-minsan nagkakaroon ng bouts of sadness pero far in between at mabilis din naman lumilipas, basta isipin ko lang kasama ko si Lord at ang pamilya ko, buo na ako. :)

12 July 2018

Today's thoughts

  1. Naalala ko yung panahon na nagsusulat ako ng thesis ko nun sa UP, wala pang ban on smoking, ang sarap lang magyosi habang nagsusulat. Hindi ko alam kung bakit. Bakit kaya no? Is it perhaps you’re feeding the reward system in your brain at the same time doing something you feel that needs rewarding? Parang pagkasulat mo ng something, may instant reward ka. Woo. Ano pa kayang ibang activity pwedeng gawin ito? Pero dapat iba naman ang reward. Kasi medyo masama talaga sa kalusugan ang pagyosi eh.
  2. Ang sarap lang magsulat para mag-express ng sarili. At the same time, ang sarap lang din sumayaw para mag-express. Pwede mong laruin ang mga salita, pwede mong laruin ang movements, to convey what you’re feeling. Others express it through drawing or playing music. But I guess what works for me is writing and dancing. Though the latter hindi ko na masyado nagagawa. Pero ang saya sana kung nagagawa ko pa. 
  3. Can I really be just on my own from now on? I’m not sure. Naka-ankla pa rin ako sa Ex ko kahit papaano. May bahagi sakin na nakakapit pa rin dun. Pero alam ko naman mawawala rin ito. Joskoh, wala pang apat na buwan. Eh pitong taon din kami na kami. Pero I’m sure na magiging malaya rin ako sa ala-ala ng nakalipas. Maraming tao ang tumutulong para makamit ko itong paglaya. At syempre, nandyan si God at pamilya ko. Siguro nga, okay na rin ang nangyari. Sabi nga ni Kuya, I should see it as ‘disaster averted’ instead of something na ‘sayang’.
  4. Ngayon lang din kasi ako naging single after almost a decade of being in relationships. I should take things slow and enjoy the moment. Enjoy lang. Fun fun lang. Yung fun na may idudulot na growth sa sarili. Dapat cautious pa rin at hindi reckless. Mahirap maging reckless. May mga consequences na irreversible at irreparable and can do more harm than good papunta sa road to healing and acceptance. Dapat ma-discern ko alin ang okay at hindi okay na fun.
  5. Ngayon, masaya ako. Pero minsan, ang pagkasaya ko eh nahahaluan ng lungkot. At least far in between na yung bouts of sadness. May nagpapasaya sakin ngayon subalit mukhang magiging fleeting ito. Pero tingnan natin. Wala naman makapagsasabi kung ano ang ending nito. Baka kailangan ko lang idiin sa sarili ko ang ‘be present’ at ‘be patient’ na mga salita. In God’s time, everything will be alright. Looking back, masasabi kong malaki na rin ang naging improvement ko. Kapag nakikita at nababasa ko yung mga sinulat ko noong sobrang tindi pa ng sakit, napansin kong hindi na ganun kasakit ngayon. Yung sakit napalitan na ng kakaunting lungkot. Pero dibale, mawawala rin ito. Malakas ang pananalig ko na bubuti rin ang kalagayan ko.

05 July 2018

Current mood

SHAKE HIM OUT
Florence + The Machine

Regrets collect like old friends
Here to relive your darkest moments
I can see no way, I can see no way
And all of the ghouls come out to play
And every demon wants his pound of flesh
But I like to keep some things to myself
I like to keep my issues strong
It's always darkest before the dawn
And I've been a fool and I've been blind
I can never leave the past behind
I can see no way, I can see no way
I'm always dragging that horse around
Our love is pastured such a mournful sound
Tonight I'm gonna bury that horse in the ground
So I like to keep my issues strong
But it's always darkest before the dawn
Shake it out, shake it out,
Shake it out, shake it out, ooh whoa
Shake it out, shake it out,
Shake it out, shake it out, ooh whoa
And it's hard to dance with a devil on your back
So shake him off, oh whoa
And I am done with my graceless heart
So tonight I'M GONNA CUT IT OUT AND THEN RESTART
'Cause I like to keep my issues drawn
It's always darkest before the dawn



Shake it out, shake it out,
Shake it out, shake it out, ooh whoa
Shake it out, shake it out,
Shake it out, shake it out, ooh whoa
And it's hard to dance with a devil on your back
So shake him off, oh whoa



And it's hard to dance with the devil on your back (shake it out)
Given half the chance would I take any of it back? (shake it out)
It's a fine romance but it's left me so undone (shake it out)
It's always darkest before the dawn (shake it out)

And I'm damned if I do and I'm damned if I don't
So here's to drinks in the dark at the end of my rope
And I'm ready to suffer and I'm ready to hope
It's a shot in the dark aimed right at my throat
Cause looking for heaven, found a devil in me
Looking for heaven, found a devil in me
But what the hell, I'm gonna let it happen to me

Shake it out, shake it out,
Shake it out, shake it out, ooh whoa
Shake it out, shake it out,
Shake it out, shake it out, ooh whoa
And it's hard to dance with a devil on your back
So shake him off, oh whoa

Today's thoughts

Mag-isa na naman ako rito sa opisina. Ang hirap na naman ng pakiramdam ko. Wala namang physical pain, pero may sakit na nadarama. Ang sakit eh. Nagkakaroon na ako ng pagdududa sa sarili ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko.

Bakit ba kailangan maging NAPAKAsakit ng ma-heartbroken? Siguro dahil NAPAKAsarap din umibig at magmahal. NAPAKAsaya pero NAPAKAsaklap din. Mukha talagang kailangan kong dumaan sa MGA pagsubok ng PAG-IBIG. Ang drama ko. Saan ko nga ba nakukuha yung lakas para sa ganitong drama? Siguro dahil alam kong kung gusto ko, gusto ko talaga. Gayun din kapag ayaw ko, ayaw ko talaga. Extremes din eh. Ang hirap i-balanse. Pero dahil alam ko ang kakayanan, kalaliman, at kalakasan ko sa pagmamahal ng isang tao, SIGURADO ako sa taong iyon. WALANG PAG-AALINLANGAN. Walang ambiguity. Klarong-klaro.

Hindi ko hinahangad na umikot ang mundo ng isang tao sa akin. Ayoko rin niyan dahil hindi rin iikot ang mundo ko sa iyo. Paano natin mapapaibayo ang mga kakayanan natin kung naka-ankla ang mundo natin sa iisang tao lang? Hindi eh. Pero iba rin naman ang tinatawag na RESPETO sa taong may pagtingin sa iyo. Kung ayaw, edi sabihin mo. Pwede naman eh. Kung may problema, edi sabihin mo. Humingi ka ng kailangan mo para maayos. Kung napipikon ka, edi sabihin mo kung ano yung dahilan; hindi yung tinatago tapos bigla na lang puputok. Bad trip lang din eh.

Itong lungkot ko unti-unting napupunta sa inis. Pero dahil malawak, malalim, matindi ang pag-ibig na kaya kong ibigay,   iiintidihin ko na lang din. Hindi ako nagsasara ng pinto. Pero oras na may makapasok nang iba, wala na.

P*** ang sarap lang mag-Tagalog.

...

Siguro, kailangan ko rin magpalakas ng sarili; kailangan magmuni-muni; kailangan mabuo; kailangan ng mas mahabang pasensya; kailangan tanggalin ang nakasanayan at maglapat ng bagong mapagsasanayan. Old habits die hard, totoo yan. Pero dahil alam ko naman ang science behind habits, kakayanin ko 'to. 'I'm gonna have to science the shit out of this', 'ika nga ni Matt Damon sa The Martian.

Kaalinsabay ng pagsa-science, kailangan kumalinga rin ako sa Panginoon. Kung mayroon man akong gagawing ankla sa buhay na ito maliban sa magulang kong mahal na mahal ko, dapat pati sa Diyos. Hinding-hindi pa ako nabibigo ng Panginoon sa tanan ng buhay ko. He's omnipresent in my life; I'm forever grateful for that.