Ano pakiramdam ko? Wala. Hahaha. Sabi nga nila, age is just a number. Sa isang banda totoo ito pero meron ding kabilang bahagi na mararamdaman mong tumatanda ka na nga talaga. Nailathala ko sa blog na ito yung mga naramdaman kong pagbabago sa sarili ko bawat taon. Napansin kong nagbabago nga talaga ang mga priorities sa buhay. Nagbabago rin ang ugali, ang pananaw sa buhay, ang pamamaraan kung paano ka magiging masaya sa buhay. At higit sa lahat, nagbabago ang TIMBANG ng katawan mo at SIZE ng damit mo. Leche.
Moving on, anu-ano nga ba ang nagbago?
1. Mahilig ako bumiyahe dati. Ngayon, parang, ano meron kapag nagbiyahe?
Tumatanda na nga ata ako. Sino nga ba hindi gusto mag-travel? It's so nice to explore the different continents and its countries. Pero, what for? Yes, new knowledge, new experience, new everything. But for what? Bragging rights? For self-accomplishment? Puro self self self. Focused lahat sa sarili. Hindi ko alam bakit ganito nafifeel ko. I haven't been to many countries but what's the point in traveling to these places when you're just there for how many days? Iba yung doon ka talaga tumira. Iba yung experience mo kapag matagal kang nasa isang lugar. Siguro kaya ko rin nasasabi ito kasi ang ganda ng Pilipinas. SOBRA. At marami na akong napuntahan sa 'pinas. Yung mga gusto ko nandito. Yung gusto kong mga natural wonders like mountains, caves, beaches, plains, ridges, canyons, coves, lahat nasa 'pinas eh. Yes, yung mga man-made architecture wala like the Eiffel Tower, Sydney Opera House, Statue of Liberty, Tapei 101, Burj Al-arab, Guggenheim, Wiener Staatsoper, etc.. Lahat 'yan wala sa 'pinas. Pero yung mga natural, marami sa Pilipinas. Ang ganda talaga. But don't get me wrong. Opinyon ko lang ito and I am VERY HAPPY for people who go traveling around the world, nakakatuwa. It's just that sa sarili kong pananaw, more than sightseeing, mas gusto ko yung kasama mo yung mga minamahal mo like family and very close friends. Kaya masayang-masaya yung Morocco trip ko is because I'm with my closest friends. Recently, nag-outing pamilya namin dyan lang sa Batangas. But it was so memorable and fun. Batangas lang 'yun ah, nothing special. But being with family is the best.
2. Ayoko na masyadong maglalalabas.
Gusto ko na lang yung may sarili akong mundo, may sariling ginagawa, may mga personal agenda na tinatapos. Oo, nandito ako ngayon sa Australia and ang daming pwedeng puntahan. Pero inaatake ako ng katams. Hahaha. For example, kamakailan lang pumunta kami dun sa Enlighten eme eme. Ano napala ko? Napagod lang ako. Ano nakita ko? Well, maganda naman pero, once you've seen one, you've seen them all. Mas masaya pa ako sa Lantern Parade ng UP. Shet bakit ko ba nasasabi ito, feeling ko ang tanda tanda ko na at ang KJ ko! Again, sariling pananaw ko ito sa buhay ko and not anybody else's.
3. I can't stand bullshit and drama altogether. And I can't stop being vocal about it.
May mga taong sadyang madrama. Meron din dala-dala puro ka-bullshitan. Parehong hindi ko ma-take. At hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagsupalpal sa mga ganitong klaseng tao. Ayan. Tumatanda na nga talaga! Ang negatron dito is ine-alienate ko sarili ko sa mga ganitong tao. Pero ang katwiran ko naman I have other friends. But still, hindi magandang ugali ito. Crass. Siguro iisipin ko na lang, 'keep calm and carry on'.
4. Naghahanap na ako ng sarili kong mundo kung saan ako lang at ang future family ko (kung magkakaroon man) ang superdupermegaOA sa solid
Hindi ko alam pero biological ba ito??? Physiological??? Yung pakiramdam na may hinahanap na akong iba. Hinahanap ko na ang magkapamilya. Parang yun ang susunod na dapat mangyari sa buhay ko kasi pakiramdam ko, kahit na magpursigi ako sa career, kahit magkaroon ng sense of fulfilment, kulang ng meaning. Kulang ng saysay ang buhay. Bakit ganito nararamdaman ko??? Dati rati, career career career. Career ang gusto ko. Ayaw kong magkapamilya. Me, myself, and I ang peg. Me, myself, and my career. Totoo, may fulfilment sa career. Pero nakukulangan ako. Baka naman yung career ko naman kasi walang meaning. Hahahaha! Or baka natatakot ako kasi matanda na parents ko. When the time comes, wala na akong paghuhugutan ng lakas at ng inspirasyon. At ayokong mangyari yun. Yung wala kang takbuhan.
Kung career ang pipiliin mo, sino tatakbuhan mo? Mga journals? Mga kapwa guro mo na may kaniya-kaniyang pamilya? Mga kaibigan mo na single din? Kaya nga kayo single kasi pare-pareho kayo ng utak. Same shit, different day lang ang maririnig niyo sa isa't-isa. Ang hinahanap ko yung magcocontradict sakin. Yung magbibigay linaw sa lahat ng kalabuan sa utak ko. Sieympre nandyan si Lord, ang forever takbuhan. Pero mahirap din minsan yung gusto mong umiyak, pero walang yayakap sayo. Ikaw ang may kayakap. Kayakap mo ang unan mo o alaga mong pusa, na kapag pumiglas makakalmot ka pa.
O baka naman nararamdaman ko ito kasi malayo ako sa pamilya ko at may dinaramdam lang ako ngayon. Ay ewan.
5. Dati, masaya ako sa spontaneity. Ngayon, leche anong spontaneity yan, the best magkaroon ng plano!
Bakeeeeeet??? Gusto ko ngayon mas maayos ang buhay ko. Yung may order. May routine na sinusunod. May road map. May direksyon. Ayoko na nung magtatravel ka tapos walang itinerary! Juice ko ang inefficient lang ha! Although guilityng guilty talaga ako dyan. Dati yan, ganyan ako. Walang itinerary. Pagpunta sa isang lugar, come what may. Eh ngayon, EKIS! Dapat may itinerary para maayos tayo at para ma-maximise ang mga bagay-bagay!
Parang ang dami kong angst 'no? Part ba ito ng pag-tanda? Char! Hahaha. Bakit ganitoooooo. Nagtatagka talaga ako sa mga nangyayari sa buhay ko lately. Hindi ko maintindihan kung dapat bang tanggapin ko na lang o labanan ko. Labanan kasi may mga bagay na mas maganda dati kumpara ngayon. Katulad ng isyu #3 ko. Mali yan eh. Diba nga, wa-class, bordering on taklesa/palengkera. Pero minsan kasi gusto mo lang talaga ilagay sa lugar yung tao. Aaaargh! O kaya yung issue #5. Oo, maganda naman may order pero sana may spontaneity rin. Nangyayari kasi sakin ngayon kapang walang plano, burubot na ako eh. Pakiramdam ko nasayang yung buong araw kasi walang plano.
Sa kabilang banda maganda rin naman tanggapin ang mga bagay-bagay kasi it's all part of growing up. Kaya ko rin nirerecord itong mga peelings, este, feelings ko kasi balang araw magbabago ito. Hindi na ako yung Patricia tulad ng dati. Ang gusto ko malaman, kung sobrang laki ba ng deviation ko sa luma at kasalukuyang Patricia? At kung may pagbabago man, nakasama o nakabuti ba ito sa kinatatayuan ko ngayon?
Hay buhay! Makahanap na nga ng magbibigay meaning sa buhay ko.
No comments:
Post a Comment