17 August 2018
Kathang isip para sa araw na ito
Dumating ang umaga
Ako'y nagising
Paglingon sa tabi
Ika'y himbing na himbing
Sa pagtulog ayaw magising
Pinagmasdan ko iyong mukha
Nakatingin, nakatitig
Kay sarap sarap mong pagmasdan
Hinaplos ko ang iyong mukha
Ang iyong buhok
Ang iyong tenga
Hinawakan iyong labi
Hindi ka umimik
Ngunit ang noo'y kumunot
Tinanggal ko aking kamay
Maya-maya'y tumalikod
Naiwan akong nakatitig
Sa likod mong malapad
Napaluha, hindi alam gagawin
Ako'y tumahimik, napahiya
Umahon ako mula kama
Nagbihis, nagsapatos
Lumingon ako para tingnan ka
Ngunit likod mo pa rin aking nakita
Binuksan ko ang pinto
Ika'y napalingon
Nagkatinginan tayo
Pero wala pa ring imik mula sa'yo
Patuloy akong lumabas
Hindi ka gumalaw
Walang ibang narinig
Kundi ang puso kong nadudurog
02 August 2018
Today's thoughts
I've been meaning to write, not sure if this is a poem, something like this ever since April. It's something simple, but takes a lot of burden off my shoulders. Well, here goes.
Untitled
Marami nang nakilala
Naging masaya ang mundo
Pero sa dulo ng araw
Matapos ang lahat ng kaguluhan
Isa lang ang hinahanap-hanap ko
Kapayapaan, katahimikan
Balanse, katatagan
Lahat ng ito, ramdam ko sa iyo
Sa gitna ng kaguluhan
Ikaw ang ankla ko
Paulit-ulit nagtanong sa sarili
Naging sigurado sa iyo
Ngunit biglang nagunaw, ika’y lumisan
Ang kirot kailanma’y
Hindi nilubayan
Nalaglag sa kinatatayuan
Nawala sa nilalakaran
Nabasag, nadurog
Napitpit nang todo
Ang pusong sumasamo
Bawat paggising
Ang kirot tila’y umiigting
Sinubukan kalimutan ka
Nakipagkilala, nakisalimuha
Maraming kinilala
Pero ikaw ang katangi-tangi
Hinahanap ng katauhan ko
Makasama habambuhay
Ikaw pa rin
Bakit hindi mo dinggin?
Lubos na pagmamahal
Malalim, lumalagablab
Matibay, walang kupas
Totoo at tunay
Ang kaya kong ibigay
Kailanma’y hindi dapat mangamba
Wala ni isang karampot
Ng pag-aalinlangan
Handang ibigay
Buong isip, puso, at pagkatao
Subscribe to:
Posts (Atom)