Wahaha, I'm back posting my Animal Chronicles! Haaay, a lot have been going on with my pets, Midnight and Puss (in boots---a la Shrek yung tono) gave birth to 4 and 3 kittens respectively. Si Puss (in boots) mas unang nanganak, mga March yun e, tapos ang kukyut ng mga kuting niya! As in super! At first they were cuddled up in a corner under our water tanks. It was scary because the environment there was moist and little light would come in. But fortunately, after how many months, Puss (in boots) took the three cute kittens out of their lungga and put them in an accessible spot for us, which is sa likod-bahay namin. Grabe they were so cute! Two were white, and one was brown. The brown and white were males, the remaining white was a female. Edi ang lulusog nila diba, tapos etong si Midnight, nanganak din! Apat naman! Grabe it was a hayday for us and the cats! We had 11 cats! Wow! Ang saya!
Tapos, it was time for Midnight to get her kittens out of their lungga again and before we knew it, we had SEVEN cute and cuddly kittens! Nakakatuwa! Tambling sila nang tambling kasi mga naglalaro. Yung isang group naman, yung mga anak ni Midnight, e tulog nang tulog, mga kuting pa kasi. Tapos yung isa sa mga anak ni Puss (in boots), yung puti, nagbabadyang mamatay kasi pikit na yung mga mata niya gawa ng morning glory tapos ang lampayatot, hindi nagkakakain. So I decided to bring the kitty to the vet, hanep, first time ko, as in. For the past 17 years na nag-aalaga ng pusa, ngayon lang ako nagpa-vet (kawawa naman mga pusa ko, ahihi). Ayun, bumalik sigla! Sinaksakan ata ng United American Tiki-Tiki, pampalusong ng inyong kitty... Pucha, hanep sa kakornihan! Hahahaha!
And then the kitty was back to normal, ang saya! However, one of Midnight's kittens died, yung three colors. Two browns, one white, and one three colors kasi yung anak ni Midnight..:( mahina kasi talaga yun nung una, maliit kasi. Siya siguro yung pinakahuling nabuo. Kasi ang mga kuting, o ang mga pusa, pwedeng hindi lang iisa ang ama. Pwedeng maraming tomcats ang makabuntis sa kanila, multiple pregnancy ba. Hanep 'no? Sa tao rin kaya pwedeng maraming lalake ang makabuntis sa isang babae? Well, maraming POSSIBLE na makabuntis, and a woman can have a lot of sex partners, but it is not PROBABLE for a woman to become pregnant with different kinds of sperm coming from different males. Isang male lang, hindi tulad sa cats, different males, one female. Okay, back to topic. Ayun, namatay na nga yung isang kuting, edi anim na lang sila. Tapos after some time, napilay yung kuting na pina-vet namin. Ewan ko ba, parang hindi gumagana yung paa niya na yun. Right hind leg yung naapektuhan. So pag tumatakbo siya, dinadrag niya yung paa niya, ahhihih! Nakakatawa kasi pero at the same time nakakaawa, ahahah... Haha sorry ming...
Edi okay na sila diba, parang healthy healthy na... Tapos paglaon ng panahon, naging malnourished yung dalawang anak ni Puss (in boots), hindi yung pilay, yung dalawang healthy pa dapat. Ewan ko ba kung anong nangyari! Nagbabadya silang mamatay! Meanwhile, yung anak ni Midnight e malulusog naman. Pero, I've decided to bring the kittens to the vet, all six of them. The vet found out they have ring worm and another type of worm that feeds on the flora of the intestines, kumbaga eto yung bad worm. Yung ring worm kasi, they feed on what the cat is eating. May kasosyo baga yung pusa kung kumain. Tapos pinrescribe sakin ng vet yung isang gamot na mapakla for the cats and a certain powdered milk. Ihahalo ko raw yung gamot sa milk para hindi mag-slaver ang mga pusa. So sige, I force-fed them when I arrived home tapos pucha, naglaway nga ang mga pusa! I was not able to give them the right dosage of medicine. Hala, ayun, bale wala yung gamot. But for the milk, finoforce-feed ko sila, ayaw kasi rin nila nung powdered milk e, jologs ata kasi, dapat fresh milk. Anyway, talagang napakapayat na nung dalawang kuting! Nakaktakot!
Tapos nung isang araw, nagulat na lang ako nang makita ko na KINAIN NI PUSS (IN BOOTS) YUNG ANAK NIYA! Yikes! As in! Wala na yung two front legs! Grabe! Kasi hindi na maliit yung kuting e, medyo malaki na. Tapos makikita mo na yung ribs and heart! Eeek! Meron pa nga akong picture e, ang morbid naman diba kung ilalagay ko pa rito… Grabe kakagulat. Anyway, hindi na kami nag-wallow pa masyado sa pagkamatay kasi kung hindi pa namin itapon yung pusa (talagang itapon e ‘no, hindi man lang ilibing, haha!) e lalangawin pa yun at magiging unpleasant smelling yung place diba. Kinain pa naman niya malapit sa tulugan nung mga kuting, nyek. So nilagay namin yung kuting sa supot tapos initsa namin sa bakanteng lote sa kanto. Na-realize ko nga dapat hindi ko na nilagay sa supot kasi mabubulok yung pusa, e yung supot hindi, nyay. Ayun, edi anim na lang yung mga kuting. Tapos after a week, nagbadyang mamatay yung brown! Grabe! As in nakahandusay na siya dun sa lapag, tirik ang mga mata, pero humihinga pa rin!
Ang tigas ng kuting na ‘to. Finorce-feed ko siya pero it can only do so much, hindi na hihigit pa yung inooffer niya na benefits like nourishment. Edi hinayaan ko na lang siya dun, in case baka mamya hindi na siya humihinga.
On to the pilay kitten. After 2 weeks, namatay na rin siya. Weird thing is, malusog pa siya, kumakain, tumatakbo. I realized maybe he was lonely. Even if there were other kittens, hindi nga lang niya ka-age, they were younger, my paralyzed kitten was sad. Hindi siya nakikijoin sa mga kuting. He was always cuddled up to his mother, Puss (in boots). Eto yung example ng mahina na will to live. You may still be alive but life to you is nothing but a complete...uhm... NOTHINGNESS... You don't have a purpose to exist... Ang saklap 'no?
It's like when you wake up everyday, do your morning routine, do what you do every single day, and at the end of it all, wala lang, hindi mo siya inenjoy... Ayun... Yung tipong wala lang... Ang baduy 'no? So baduy pala yung pusa ko? Ahehe hindi naman... Kawawa lang talaga siya. He have seen his brother and sister die unmercifully. His sister was eaten, the other one was thrown away, even if it was still alive. Haay, buhay nga naman ng mga pusa.Eto, mukhang nagbabadya na naman yung isa naming kuting... waaaa...
Abangan ang mga susunod na kabanata...